breakfast na
isang skinless longanisa na lang ang natitira. kumilos ang kutsara. cya na ang babanat sa longanisa. aba, parang natutuwa naman ang longanisa. yehey.
sa kabilang ibayo, ang di alam ng kutsara, kumikilos din ang tinidor. and yeah, mas successful cya sa kutsara. san ka nga naman nakakita ng kinukutsara ang longanisa di ba.
ok na. longanisa and tinidor. bagay na bagay. meant to be. yun lang hindi nga alam ng kutsara.
kawawa naman yung kumakain. kaya nya kaya pag nagkahiwalay na ang kutsara at tinidor nyang ilang years na ding magkapartner. ano mangyayari pag tinidor na lang ang meron?